Binulabog ngayon ni Shai Gilgeous-Alexander ang NBA nang itala ang triple double performance sa panalo ng Oklahoma City Thunder laban sa Minnesota Timberwolves, 117-104.
Ang nagawa ng 6’5″ na si Gilgeous-Alexander (SGA) na may 20 points, at career-high na 20 rebounds at 10 assists ay una rin na kanyang triple-double sa career.
Sa kanyang edad na 21-anyos at 185 days old, siya na ang pinakabatang player sa kasaysayan ng liga na maabot ang naturang all-around game.
Ang kalaban mula sa Minnesota na si Andrew Wiggins ay bumilib sa angas ni SGA upang bitbitin ang kanyang koponan.
Sa ngayon si Gilgeous-Alexander ay ang ikaapat sa second-year player sa NBA history na pomoste ng 20-20 triple-double.
Napabilang na siya ngayon sa listahan nina Shaquille O’Neal, Charles Barkley at Oscar Robertson.
Ang tangi lamang guard na may 20-20 triple-double sa nakalipas na 30 seasons ay si dating Thunder star Russell Westbrook.