Itinuturing na masamang panaginip ng mga dumalo sa Garlic Festival sa Gilroy, California ang nangyaring pamamaril sa naturang pyesta.
Umakyat na sa apat katao ang patay habang 15 naman ang sugatan at kasalukuyang ginagamot pa rin sa St. Louise Regional Hospital at Santa Clata Valley Medical Center.
Kasama sa apat na namatay ang hinihinalang suspek na nagsimula ng pamamaril ngunit hindi pa rin umano kampante ang mga otoridad dahil malaya pa rin ang ikalawang suspek.
Ayon sa ilang saksi, sinira umano ng mga suspek ang perimeter fence na inilagay ng mga event coordinators ng Garlic Festival.
Kaagad namang rumesponde ang mga otoridad sa lugar ng insidente.
Hinikayat naman ni US President Donald Trump ang lahat ng mamamayan sa nasabing lungsod na patuloy na mag-ingat.
Nagsasagawa ng imbestigasyon ang FBI Evidence Response Team sa lugar kung saan narekober ng mga ito ang ilang basyo ng ammunition rifle.