Umusad na ang Barangay Ginebra sa playoffs makaraang itala ang 102-81 pagtambak sa Magnolia Hotshots sa PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.
Humataw nang husto si Justin Brownlee na kinolekta ang career-high na 49 points at 20 rebounds para sa Ginebra na kasalo na sa third place sa standings ang Blackwater sa kanilang 6-4 marka.
Sinabi ni Ginebra coach Tim Cone, kabado sila sa pagsisimula ng laro dahil sa ipinakitang lakas at enerhiya ng Magnolia.
Gayunman, nagkaroon aniya ng mas magandang sistema ang Gin Kings upang mahigitan ang koponan.
“But I think we were able to settle in to a tempo that worked for us. I felt we were playing their tempo in the first half and coming out in the third quarter, we got a better tempo which we can work more efficiently with,” wika ni Cone.
Nag-ambag para sa Ginebra si Japeth Aguilar na pumoste ng 18 points at siyam na rebounds.
Hindi naman nagbunga ang 34 points at 21 rebounds ni James Farr para sa Hotshots.
Narito ang mga iskor:
Barangay Ginebra 102 – Brownlee 49, J. Aguilar 18, Pringle 13, Tenorio 12, Thompson 5, Slaughter 2, Mariano 2, Caguioa 1, Caperal 0, Devance 0.
Magnolia 81 – Farr 34, Barroca 16, Sangalang 14, Jalalon 8, Lee 5, Brondial 4, Melton 0, Herndon 0, Pingris 0, Dela Rosa 0.
Quarters: 18-23; 46-47; 78-64; 102-81.