Hawak na ng Barangay Ginebra San Miguel ang twice-to-beat advantage matapos pabagsakin ang NLEX Road Warriors sa intense game 103-99, sa PBA Commissioner’s Cup sa Ibalong Centrum for Recreation sa Legazpi City, Albay.
Nagmistulang pyesta ang saya at hiyawan ng mga Ginebra fans matapos ang ginawa nitong comeback sa late fourt quarter ng laro.
Nasa ika-apat na puwesto na ang Gin kings sa kartada nitong 8-3 record habang nasa ika-siyam na puwesto ang NLEX.
Namayani sa koponan ang import na si Tony Bishop sa nakubrang 27 puntos at 13 rebounds, habang ang kakamping sina Christian Standhardinger at Jamie Malonzo ay may 18 at 16 points.
Naging malaking ambag ang dalawang free throw ni Stanley Pringle sa huling 8.6 na segundo sa fourth quarter upang lumamang ng dalawang posessions 103-99.
Sa ngayon, secured na ang Ginebra sa top 4 na may twice to beat advantage at hihintayin nalang ang magiging pinal na resulta pagkatapos ng mga huling laro sa elimination round.
Habang maglalaban naman sa do or die game para sa ika-walong puwesto ang NLEX Road Warriors at TNT Tropang Giga
Ang mananalo sa pagitan ng NLEX at TNT ay makakapasok sa playoffs at makakabangga ang number 1 Magnolia Hotshots.