-- Advertisements --
Nilinaw ng beteranang actress na si Gina Pareño na hindi ito lesbian.
Kasunod ito sa paglabas ng mga balita na siya ay miyembro ng LGBTQ community.
Sinabi nito na wala siyang alam sa mga termino at pagtitiyak niya na siya ay babae.
Hindi naman nito ikinaila ang pakikipagrelasyon sa kapwa babae noon.
Unang beses lang daw noon itong nakipagrelasyon sa isang tomboy subalit hindi nangangahulugan na ito ay tomboy na rin.