-- Advertisements --

Ginagawang kalsada at drainage sa isang barangay sa bayan ng Calasiao, inulan ng reklamo; pamunuan ng barangay, humingi ng pang-unawa ukol dito

DAGUPAN CITY — Humingi ng pang-unawa ang pamunuan ng Barangay Banaoang sa bayan ng Calasiao kasunod ito ng reklamo ng mga residente sa nagpapatuloy na konstruksyon ng kalsada at drainage na maituturing na abala dahil sa naidudulot nitong mabigat na trapiko.

Ayon kay Melecio Sapiera ang siyang Kapitan ng naturang barangay na aminado ito na apektado na rin sila sa konstruksyon, na sinimulan nitong buwan ng Marso at inasahang matatapos ngayong Oktubre.

Pero aniya dahil sa mga naitalang pananalasa ng mga bagyo kung kaya naman ay hanggang ngayong buwan ng Nobyembre ay patuloy pa rin ang pagsasaayos para rito.

Panawagan din nito na tiisin muna ang nararanasang mabigat na trapiko na aniya’y base sa pakikipaguganyan nito sa contractor ay matatapos ng Enero sa susunod na taon.

Dagdag pa nito na ang naturang drainage ay para na rin maiwasan nang maidatos ang abot baywang na baha.

Pagsasaad pa nito na ang pangunahing problema ay ang naging kawalan ng parking ng ilang mga residente kung kaya’t ang mga sasakyan ay ay naipapark sa kalsada na bagaman binigyan na nila ng abiso na ito ay sarado, marami pa rin aniyang matitigas ang ulo na ipinipilit na ipasok ang kanilang mga sasakyan kung kaya naman nauuwi ito sa mabigat na trapiko.

Paglilinaw nito na maaari nang daanan ng mga light vehicles ang nauna nang natapos na kalsada.

Ginagawa rin anila ang mga hakbangin upang maibsan ang problema rito kung saan ay may mga naitalaga ng opisyal para makontrol ang mga dumadaang mga sasakyan.

Panawagan din nito na tiisin muna ang nararanasang mabigat na trapiko na aniya’y base sa pakikipaguganyan nito sa contractor ay matatapos ng Enero sa susunod na taon.

Samantala ayon kay Liwayway Cayago na residente sa naturang barangay na bagaman nagdudulot ng traffic ang naturang kalsada ay malaki naman aniya ang maitutuolong nito sa kanila sa oras na matapos na ang konstruksyon para rito.