Agaw pansin ngayon sa mga animal lovers sa Thailand kung totoo ba o isang estatwa lamang ang ibinigay na Siamese cat para sa bagong hari ng Thailand.
Ito ay matapos magsagawa ng three days of coronation event para kay King Maha Vajiralongkorn.
Itinuturing kasi na swerte ng mga taga-Thailand ang mga pusa at naging tradisyon na rin sa mga royal coronations na gawin itong regalo bilang simbolo ng matatag na kabahayan
Ngunit kalaunan ay may mga news site sa Thailand na nagsabing manika lamang ng pusa ang ginamit sa nasabing seremonya.
Kaagad namang nagbigay ng komento ang palasyo at sinabing hindi dapat mag focus ang mga tao kung totoo ba o hindi ang ginamit na pusa.
Ibinahagi naman ng isang Facebook page na maewthai.com ang mensahe ng isang kilalang cat breeder ang inutusan umano na mamili ng dalawang pusa para sa seremonya ngunit hindi raw nagamit ang mga ito.