Hindi pa rin magkamayaw hanggang ngayon sa pagbubunyi ang National Aeronautics Administration (NASA) at ang private space company na SpaceX sa matagumpay sa pagbabalik sa mundo kaninang madaling araw ng Crew Dragon spacecraft.
Ayon kay Elon Musk ang co-founder ng kompaniyang Tesla at SpaceX, napakalaking bagay ang tagumpay ng space program lalo para sa mga private companies.
Para naman sa NASA ang SpaceX success ay mistulang panalo para sa kanila dahil matagal nang isinulong ang commercial partnership.
“We are going to go to the moon, we are going to have a base on the moon, we are going to send people to mars and make life multi-planetary. This day heralds a new age of space exploration,” ani Musk na isa ring engineer, industrial designer, technology entrepreneur at philanthropist.
Samantala ngayon pa lamang isa na namang Crew Dragon spacecraft ang inihahanda ng kanilang kompaniya para sa isa na namang mission na tinaguriang Crew-1.
Magkakaraga ito na ng apat na astronauts patungong space station.
Liban dito balak din ng SpaceX na ayusin pa o magkaroon ng refurbishment sa ginamit na spacecraft nina NASA astronauts Robert Behnken at Douglas Hurley na tinaguriang Endeavour.
Balak daw nila itong paliparin sa taong 2021.