KALIBO, Aklan—Hindi mahulugang karayom ang bilang ng mga taong dumalo sa isinagawang misa ni Pope Francis na ginanap sa 80,000-seater national football stadium sa Jakarta, Indonesia.
Ayon kay Bombo International Correspondent Ginavella Limpin Cumla, bago ang naganap na misa ay ipinatupad ni President Joko Widodo ang work-from-home set-up kasabay sa mga religious activities na dinaluhan ng mga parishioners bago pa man naganap ang misa ng Santo Papa.
Nasa 4,700 naman na kapulisan ang nagbantay para sa kanilang seguridad.
Bilang guro sa isang catholic school ay nabigyan siya ng pagkakataon na dumalo sa misa ng Santo Papa.
Kahit dinomina aniya ng mga Muslim ang Indonesia, masarap tingnan na maraming tao ang mainit na sumalubong sa Santo Papa at iwinagayway ng mga ito ang bandera sa gilid ng mga kalsada na dinaanan nito papunta sa embahada ng vatican sa central Jakarta.
Maliban kay President Widodo, nakipagkita din si Pope Francis sa grand Imam o representante ng Istiqlal Mosque, ang pinakamalaki sa Southeast Asia at ang simbolo ng religious co-existence.
Nagkita ang mga ito sa tunnel na pumagitna sa moske at simbahang katolika.
Halos lahat aniya na Filipino community sa Indonesia ay nagkaroon ng papel sa Pope visit dahil kabilang ang mga ito sa mga church organizations.