-- Advertisements --

DAVAO CITY – Apat na oras na nanatili sa ibabaw ng puno ng balite ang isang ginang maligtas lamang ang kanyang sarili mula sa lampas-tao na tubig-baha na umanod sa kanilang bahay at mga kagamitan.

Kuwento ni Nanay Fe Deocariza, nakatira sa Phase 3 Bangkal, mabilis na tumaas ang tubig baha kaya wala na umano siyang magawa kung dili ang pag-akyat sa puno ng baliti na katabi lamang ng kanilang bahay.

Habang nasa itaas ng pubo nakita umano nito na inanud ang dingding ng kanilang bahay, mga kaldero, pinggan, baso at ang kanilang banyo.

Sa buong panahon ng kanyang pananatili sa ibabaw ng puno, pagdarasal umano ang kanyang ginawa para mailigtas ang kanyang buong pamilya.

Mag-isa lamang umanong naiwan sa kanilang bahay si Ginang Deocariza habang ang kanyang mga anak at asawa ay naka-akyat naman sa mataas na building na nasa harap lamang ng kanilang bahay.

Samantala, nasa isang tent parin sa gilid ng kalsada inilagay ang kabauong na na-una nang inilikas matapus binaha ang bahay na pinaglamayan nito.

Magdamag na nakahiga sa semento ang pamilya nito habang bumubuhos ang malakas na ulan.

Samantala, may “instant” kapitbahay naman si Pangulong Rodrigo Duterte.

Itoy matapus inanud ng baha ang isang bahay at pumuwesto sa harap mismo ng gate ng ancestral house ng pamilya Duterte sa Bangkal, lungsod ng Dabaw.

Pa-biro naman na sinabi ng may ari na si Bebeng na kung papayag si pangulong Duterte, hindi na siya aalis sa lugar at masaya siya na maging kapitbahay ang pangulo.

Ang bahay ni alyas Bebeng ay nasa gitna ng kalsada kaharap ng bahay ng pangulo at nakaharang sa mga dadaang mga sasakyan