CAGAYAN DE ORO CITY – Nasawi ang isang agriculture engineer na galling pa sa Estados Unidos pauwing Bukidnon at anim sugatan sa banggaan ng dalawang sasakyan sa Misamis Oriental.
Kasunod ito sa mabilis na takbo ng isang Ford Everest na minaneho na naman ng menor de edad kung saan nabangga ang Ford Expedition na sinakyan ng biktima at mga kaanak pa nito sa diversion road ng Barangay Barra,Opol ng lalawigan kagabi.
Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Police Regional Office 10 spokesperson Major Joann Navarro na dahil sa tindi ng collision impact ay dead on the spot ang biktima na si Engr Emily Pagaling habang anim pa ang sugatan.
Sinabi ni Navarro na wala naming anumang galos ang panig ng menor de edad na drayber ang apat pa kasamahan nito.
Detinado na ang suspek at inihanda ang mga kaukulang kasong kreminal na isasampa ng pamilya ng mga biktima sa piskalya nitong lalawigan.