-- Advertisements --
Sasailalim sa drug test ang ginang na brutal na pumatay sa kaniyang mga anak sa Rizal, Laguna.
Sa sumbong kasi ng mga testigo, iginigiit ng 30-anyos na suspek na manananggal ang sarili nitong anak na 11-anyos, kaya niya sinaksak ng 26 ulit.
Habang ang bunso na limang taong gulang lamang ay pinatay naman nito sa sakal.
Ayon kay Capt. Lin Tibuc, hepe ng Rizal, Laguna Municipal Police Station, posibleng lango sa ipinagbabawal na gamot ang ginang.
May mga impormasyon na rin ang pulisya na may mga kasama ang babae kapag gumagamit ito ng droga sa kanilang lugar.