-- Advertisements --

DAGUPAN CITY – Natuklasang lulong umano sa iligal na droga ang ginang na nahuling tangkang magpuslit ng kontrabando sa loob ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Urdaneta City, Pangasinan.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Jail Warden Roque Constantino Sison III, malakas umano ang tama ng 52-anyos na suspek na si Vilma Velves nang tangka nitong pumasok sa loob ng pasilidad kahit may mga dala itong drug pharapernalia.

Dahil sa epekto aniya ng droga sa kanyang katawan ay hindi na nito natanggal sa kanyang bagahe ang mga ginamit sa pagsinghot ng iligal na droga.

Mabuti na lamang aniya at naagapan ng mga intelligence personnel ng kanilang tanggapan ang pagpasok nito sa lugar.

Napag-alaman din na hindi kaanak o malapit na kaibigan ng suspek ang dadalawin sana nitong inmate na nakakulong doon na isinailalim din nila sa pagsusuri ngunit nagnegatibo sa iligal na droga.

Sa ngayon aniya ay ipinasakamay na nila sa PNP ang pagsasagawa ng back ground investigation sa naturang ginang kung sangkot nga ba ito sa iligal na droga.

Una rito napigilan ang tangkang pagpuslit ng drug pharapernalia ng suspek kasabay ng pagdalawa nito sa isang inmate sa BJMP.