-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Arestado ng mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang isang dalaw na nagtago ng pera sa pribadong parte ng katawan nito sa may Lumbia City Jail.

Kinilala ang suspek na si alyas Nora.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni JO3 Orly Montalban na nagtaka ang kanilang female checker dahil sa umbok na maselang bahagi ng katawan ng ginang.

At nang hinihingian niya ito ng identification card, walang maibigay ang suspek.

Dahil dito, napagpasyahan ng checker na isailalim sa physical check-up ang suspetsado.

Laking gulat na lamang ng female checker dahil nakuha nito sa private part ng babae ang 30 pieces ng P1,000 bill.

Kinustodiya niya ngayon sa City Jail ang suspek at pinagbawalan na itong dumalaw pa sa male dormitory.