-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO- Isang 58 anyos na ginang ang nasawi ilang minuto matapos na dumalo sa isang political rally sa bayan ng Makilala Cotabato.
Nakilala ang biktima na si Aurea Pallero, ng Sitio Patulangon, Barangay Malasila, Makilala, Cotabato.
Kuwento ng kanyang mga kaanak, masayang umuwi sa kanilang tahanan ang ginang.
Pero makalipas ang ilang minuto, nanikip daw ang dibdib sanhi upang isugod ito sa pagamutan.
Pero hindi na umabot ng buhay ang biktima.
Dati nang na diagnose na may heart enlargement ang ginang at mataas din ang blood pressure nito.
Posible daw na ang mataas na temperatura na umabot sa 42 degrees ang nag trigger para atakehin ang biktima.
Nagbigay na rin ng tulong ang kandidatong sinusuportahan ng nasawing ginang.