-- Advertisements --

KALIBO, Aklan—Patay na ng matagpuan ng kaniyang live-in partner ang isang 32 anyos na ginang matapos na magbigti sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Pusiw, Numancia, Aklan.

Ayon kay PSSgt. Christine Ruado ng Numancia PNP, naabutan nalang ng 30 anyos na lalaki ang nasabing ginang na nakabitay gamit ang lubid.

Nasa trabaho umano lalaki ng mangyari ang insidente.

Wala rin nabanggit ang lalaki sa maaring dahilan ng pagpapatiwakal ng kaniyang live-in partner.

Ang insidente ay patuloy pang iniimbestigahan ng pulisya.