-- Advertisements --

DAVAO CITY – Patay ang isang Ginang matapos saksakin ng asawang mangingisda ng dahil sa selos. Nangyari ang krimen pasado alas 10 ng gabi habang tulog ang biktima kasama ang mga anak sa kanilang tirahan sa Sitio Kaltipay, barangay Tucal,Sarangani, Davao Occidental.

Sa report sa Sarangani Municipal Police Station kinilala ang biktima na si Rizalyn Jose 27 na taong gulang at ang suspek na si Neritz Tapican Jose a.k.a. Renren, 37 na taong gulang.

Sa imbestigasyon habang tulog ang biktima kasama ang mga anak, bigla nalang itong sinaksak ng asawa gamit ang 10 inches na kutsilyo.

Napag alamang umabot sa barangay ang bangayan ang mag asawa at bago lang di umano ang mga ito na settle ng mga Barangay official sa away na nag-ugat sa selos ng asawa.

Dinala pa sa Sarangani District Hospital ang biktima pero ideneklara itong dead on arrival ng attending physician.

Habang patuloy naman ang paghahanap ng otoridad sa tumakas na suspek na nahaharap sa karong parricide.