-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Hindi na nakalabas pang buhay ang babaeng sinasabing may diperensya sa pag-iisip matapos masunog ang kanyang tirahan nitong Biyernes ng hapon sa lungsod ng Butuan.
Nakilala ang biktimang si Alma Bundia, 49, residente ng Purok 2, Barangay Bonbon.
Tinataya namang aabot sa P200,000 ang danyos ng sunog na nagsimula pasado alas-3:00 ng hapon at naideklarang fire out pasado alas-4:05 ng hapon matapos respondehan ng tatlong mga fire trucks.
Madaling nahanap ng mga bombero ang bangkay ni Buendia sa comfort room ng bahay.
Ayon sa kanyang mga kapitbahay, narinig pa nilang tumatawa ang biktima habang nasa loob ng nasusunog na bahay.
Inalam pa rin ng mga bumbero kung saan galing ang apoy.