NAGA CITY- Sa kulungan ang bagsak ng isang ginang matapos saksakin ang nakababatang kapatid dahil sa away sa gripo sa Barangay Pag-oring Viejo, Libmanan, Camarines Sur.
Kinilala ang suspek na si Myrna Moral, 38-anyos.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PSSgt. Emyrose Organis, tagapagsalita ng Libmanan-PNP, sinabi nitong nag-ugat ang away ng dalawa dahil sa gripo na ipinatayo ng isa pang kapatid ng mga ito ngunit ayaw aniyang magpa-igib ng biktima.
Dito na aniya kumuha ng kutsilyo si Moral at sinaksak sa binti ang kapatid.
Agad namang itinakbo sa ospital ang biktima habang nahuli naman ang nakakatatandang kapatid nito.
Sa ngayon, hinahanda na ang kaso ng isasampa laban sa suspek habang nagpapagaling naman ang kapatid nito.
Ayon kay Organis, bago ang nasabing pananaksak, may una nang hindi pagkakaintindihan ang magkapatid.