-- Advertisements --

Binatikos ni Miami Heat head coach at Fil Am Erik Spoelstra ang ginawang pagtulak ni Denver Nuggets big man Nikola Jokic kay Markieff Morris sa pagsasabing “very dangerous and dirty play.”

Ayon kay Spoelstra ang nakakaalarma pa raw ay ginawa ni Jokic ang pag-atake nang nakatalikod si Morris.

Sa ngayon isinasailalim pa sa medical  checkup si Morris matapos matumba sa sahig at mamilipit.

Matapos ito ay na-eject sa game ang reigning MVP sa 4th quarter.

Nagbunsod kung bakit gumanti si Jokic ay dahil na-elbow naman ito ni Morris kaya pinatawan din sya ng technical foul.

Samantala sa kabila nang pagkaalis sa game ni Jokic nagtala pa rin ito ng triple-double gamit ang 25 points, 15 rebounds at 10 assists habang ang limang Nuggets starters ay umeksena ng double figures.

Ang Heat star naman na si Jimmy Butler na pinatawan din ng technical foul ay nagtapos sa 31 points, eight assists at  five rebounds.

Sa ngayon meron ng 6-4 win-loss record ang Nuggets at 7-3 naman ang kartada ng Miami.