-- Advertisements --
Inako ni Barangay ginebra coach Tim Cone ang pagkakabigo ng kanilang koponan na idepensa ang titulo sa 2021 PBA Philippine Cup.
Tinapos kasi ng TNT Tropang Giga ang kanilang kampanya matapos talunin sila sa quarterfinals.
Sinabi ni Cone na hindi niya maipaliwanag ang kahihiyan at hirap sa kanilang pagkatalo.
Naging malaking hamon kasi sa Gin Kings ang quarterfinals dahil sa kawalan nina Scottie Thompson at Japeth Aguilar.