-- Advertisements --

Nalusutan ng Barangay Ginebra ang San Miguel Beermen 99-94 sa nagpapatuloy na semifinals ng PBA Governors’ Cup.

Dahil dito ay hawak na ng Ginebra ang 2-1 na kalamangan sa kanilang best-of -seven semifinals sa laro na ginanap sa Dasmarinas City Arena.

Bumida sa panalo ng Ginebra si Justin Brownlee na nagtala ng 30 points habang mayroong 11 points, pitong rebounds at pitong assists si Stephen Holt at eight points at walong rebounds si Scottie Thompson.

Mayroon namang 22 points si Japeth Aguilara at 15 points ang nagawa ni Maverick Ahanmisi.

Sinabi ni Ginebra coach Tim Cone na ang naging susi sa kanilang panalo ay ang ginawa nitong depensa.

Hindi naman umubra ang nagawang 32 points ni import EJ Anosike at 13 points ni CJ Perez para sa Beermen.