-- Advertisements --

Hawak na ng Barangay Ginebra ang unang panalo sa best-of-five quarterfinals nila ng Meralco Bolts 99-92 sa PBA Governors’ Cup.

Bumida sa panalo ng Gins si Justin Brownlee na mayroong 29 points, 12 rebounds, pitong assists at tatlong steals sa laro na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.

Nag-ambag naman ng 19 points, limang rebounds at limang assists si Scottie Thompson habang mayroong 14 points at limang rebounds naman ang naitala ni Stephen Holt.

Umabot ng 15 points ang naging kalamangan ng Gin Kings 66-51 sa third quarter.

Sinabi naman ni Ginebra coach Tim Cone na hindi sila nagkumpiyansa sa kanilang kalamangan at labis itong natuwa dahil nakuha nila ang unang panalo.

Nasayang naman ang nagawang 23 points at limang rebounds ni Cliff Hodge habang 20 points ni Chris Newsome at 17 points, 13 rebounds ni Allen Durham.