-- Advertisements --

Pinatikim ng Barangay Ginebra ang kaniyang beteranong karanasan sa paglalaro laban sa Meralco Bolts 91-87 sa huling laro ng eliminations ng PBA 49th Season Commissioner’s Cup sa Araneta Coliseum.

Mayroon ng walong panalo at apat na talo ang Gins kung saan tabla na sila ng Converge sa ikatlong puwesto.

Habang ang Bolts ay mayroong pitong panalo at apat na talo kung saan mayroon pa silang isang laro kontra sa Magnolia sa araw ng Biyernes.

Bumida sa panalo ng Ginebra si RJ Abarrientos na nagtala ng 17 points habang mayroong 15 points si Justin Brownlee at 13 points si Stephen Holt.

Naging malaking hamon naman sa Bolts ang laro dahil sahindi paglalaro ng kanilang import na si Akil Mitchell dahil sa back spasm.

Inamin naman ni Ginebra coach Tim Cone na naghahanda na ang kaniyang koponan para sa playoffs.

Hindi naman umubra ang nagawang 15 points ni CJ Cansino at 13 points, 13 rebounds naman ni Raymond Almazan para sa Bolts.