-- Advertisements --

Hindi pinaporma ng Barangay Ginebra ang Phoenix 110-101 sa nagpapatuloy na 49th PBA Governors Cup na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.

Nanguna sa panalo si Japeth Aguilar na nagtala ng 31 points habang mayroong 23 points, 12 rebounds at 10 assists si Justin Brownlee.

Mayroong namang 19 points si Stephen Holt habang mayroong 16 points, apat na rebounds at apat na assists si RJ Abarrientos.

Mula sa simula ay hindi pinalamang ng Ginebra ang Phoenix kung saan umabot pa sa 20 points ang kanilang kalamangan.

Pinuri ni Ginebra coach Tim Cone ang kaniyang mga manlalaro dahil sa kasipagang ipinakita nila.