-- Advertisements --

Binigo ng Barangay Ginebra ang Phoenix Super LPG 112-96 sa kanilang paghaharap sa nagpapatuloy na PBA Governors’ Cup na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.

Dahil sa panalo ay pasok na sa Quarterfinals ang Ginebra habang laglag na ang Phoenix.

Sinabi ni Barangay Ginebra coach Tim Cone na nagkaroon ng motibasyon ang kaniyang manlalaro matapos na tambakan sila sa huling laro nila ng San Miguel Beermen 131-82.

Nanguna sa panalo si RJ Abarrientos na nagtala ng 24 points, limang rebounds at limang assists habang mayroong 21 points si Japeth Aguilar at 20 points si Scottie Thompson.

Samantalang mayroong 13 points, limang reobunds at siyam na assists ang import na si Justin Brownlee.