-- Advertisements --
Isang panalo na lamang ang kailangan ng Barangay Ginebra San Miguel para makapasok sa finals ng 2024 PBA PhilIippine Cup.
Nalusutan nila kasi ang Meralco Bolts 89-84 para makuha ang 3-2 na bentahe sa best of seven semifinals.
Bumida sa panalo si Christian Standhardinger na nagtala ng 34 points, siyam na rebounds at limang assists habang mayroong 13 points, limang rebounds at apat na assists si Maverick Ahanmisi sa laro na ginanap sa Mall of Asia Arena sa lungsod ng Pasay.
Sa first half ay hawak ng Bolts ang kalamangan kung saan umabot pa ng 15 points 59-44 subalit hindi basta bumigay ang Gins at hinabol ang kalamangan.
Pinuri naman ni Ginebra coach Tim Cone ang kaniyang mga manlalaro dahil sa pagpursige para manalo sa laban.