-- Advertisements --

Isang panalo na lamang ang kailangan ng Barangay Ginebra para masungkit ang PBA 49th Season Commissioner’s Cup title.

Ito ay matapos na talunin nila ang TNT Tropang Giga 73-66 para makuha ang 3-2 na bentahe sa best of seven finals.

Sa unang dalawang quarters ay hawak pa ng TNT ang kalamangan hanggang pagpasok na ng second half ay doon na umarangkada ang Ginebra.

Nanguna sa panalo si Justin Brownlee na nagtala ng 18 points habang mayroong 16 points si Scottie Thompson.

Nasayang naman ang nagawang tig-19 points nina Rondae Hollis-Jefferson at Rey Nambatac para sa TNT.