-- Advertisements --
Nalusutan ng Barangay Ginebra ang Phoenix Super LPG sa kanilang overtime game 125-121 ng 2021 PBA Governors Cup na ginanap sa Araneta Coliseum.
Ito na ang pangalawang sunod na talo ng Phoenix habang ang Ginebra ay mayroong tatlong panalo at wala pa talo.
Dinala ni LA Tenorio ang koponan kung saan naipasok niya ang kaniyang three points para maitala ang 114 all at madala sa overtime ang laro.
Nanguna sa panalo ng Gins si Justine Brownlee na mayroong 31 points habang nagtala ng 30 points si Christian Standhardinger.
Sinabi naman ni coach Tim Cone na nasanay lamang sa pressure ang kaniyang koponan kaya nagawa nilang magwagi.