-- Advertisements --

Nananatiling walang talo pa rin ang Barangay Ginebra matapos talunin ang Meralco Bolts 105-91.

Dahil dito ay mayroon ng tatlong panalo at walang talo ang Ginebra sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup na ginanap sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center.

Bumandera sa panalo ng Ginebra ang ginawang 20 points ni Japeth Aguilar habang mayroong 16 points si Stanley Pringle.

Ipinagmalaki ni Ginebra coach Tim Cone ang ipinamalas na depensa ng kaniyang koponan.

Matapos kasi ang 20-20 na score noong first quarter ay umarangkada na ang Ginebra sa mga sumunod na quarters.

Kasama ng Barangay Ginebra ang TNT at Rain or Shine sa unang puwesto na mayroong 3-0 records.