-- Advertisements --
Naitabla na ng Barangay Ginebra sa 1-1 ang best-of-seven PBA 49th Season Commissioner’s Cup nila ng TNT Tropang Giga 71-70.
Naging susi sa panalo ng Ginebra si Justin Brownlee ng maipasok ang reverse lay-up at matagumpay na naipasok ang dalawang free throws sa natitirang 46.6 segundo sa laro na ginanap sa Mall of Asia Arena.
Nagtala ng kabuuang 35 points at 11 rebounds si Brownlee habang mayroong 16 point, 12 rebounds at pitong assists si Scottie Thompson.
Nasayang naman ang nagawang 25 points at 15 rebounds ni Rondae Hollis-Jefferson ganun din ang nagawang 14 points ni Rey Nambatac at 11 points ni Roger Pogoy para sa Tropang Giga.