-- Advertisements --

Naitabla na ng Barangay Ginebra sa 2-2 ang best-of-seven PBA Season 49 Commissioner’s Cup Finals nila TNT Tropang Giga 95-78.

Nanguna sa panalo ng Ginebra si Justin Brownlee na nagtala ng 23 points, 15 rebounds at limang assists sa laro na ginanap sa Ynares Center ng Antipolo.

Nag-ambag naman ng 11 points si Jamie Malonzo habang tig-10 points sina Japeth Aguilar at Stephen Holt.

Una ng naging kuwestiyonable ang paglalaro ni Brownlee matapos na magtamo ito ng injury sa kamay noong Game 3.

Nasayang naman ang nagawang 16 points ni RR Pogoy at 10 points ni Rondae Hollis-Jefferson para sa TNT.