-- Advertisements --

Nakuha ng Barangay Ginebra ang unang panalo sa overtime 100-94 laban sa TNT Tropang Giga sa pagsisimula ng PBA Philippine Cup.

Bumida sa panalo ng Ginebra si Japeth Aguilar na nagtala ng 25 points habang mayroong 24 points ang naitala ni Stanley Pringle.

Isa rin sa naging susi para madala sa overtime ang laro ay ang naging pasa ni LA Tenorio kay Arvin Tolentino at naipasok ang lay-up nito sa natitirang limang segundo ng regulation.

Inamin ni Ginebra coach Tim Cone na nahirapan sila dahil sa matinding depensa ng TNT.

Naging malaking problema sa TNT dahli sa pagkafouled out ni Ray Parks sa ilang minutong natitira ng laro na mayroong 20 points.