-- Advertisements --
Nakuha ng Barangay Ginebra ang buwena manong panalo laban sa Meralco Bolts 96-79 sa game 1 ng kanilang best-of-five semifinals ng 2020 PBA Philippine Cup.
Bumida sa panalo ng Gins si Stanley Pringle na nagtala ng 19 points.
Mula pa sa simula ng laro ay hawak na ng Ginebra ang kalamangan kung saan umabot pa sa 25 points ang kalamangan nila.
Ipinakita ng Ginebra ang kanilang pagiging superiority kung saan tatlong beses nilang tinalo ang Bolts sa tatlong Governors Cup finals maging sa all-Filipino showdown.
Inamin ni Ginebra coach Tim Cone na malaking tulong para sa kanila ang apat na araw na pamamahinga.
Nasayang naman ang nagawang 24 points ni Allein Maliksi at 13 points si Chris Newsome.