-- Advertisements --
Tinalo ng NLEX Road Warriors ang Barangay Ginebra 94-75 sa pagsisimula ng 2021 PBA Philippine Cup.
Bumida sa panalo ng NLEX si Kevin Alas na nagtala ng 20 points, tatlong assists at dalawang rebounds habang mayroong 19 points, limang assists at tatlong steals si Kiefer Ravena.
Sinabi ni NLEX coach Yeng Guiao na hindi niya inaasahan na ganoon na lamang magiging kalaki ang kalamangan dahil inaasahan niya na magiging dikit ang laban.
Aminado si Guiao na tila nagpapainit pa ang Ginebra at asahan aniya na pagkatapos ng mga tatlong laro ay tiyak na magiging matindi na ang kanilang laro.
Humanga si Guiao ay ipinakitang depensa ng kaniyang mga manlalaro kaya tinalo nila ang defending champion na Ginebra.