-- Advertisements --

Nadampot ng Barangay Ginebra ang ikatlong sunod na panalo matapos talunin aang TNT Tropang Giga 87-83 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup.

Bumida sina Christian Standhardinger na mayroong 20 points , 15 rebounds at limang assists habang si Japeth Aguilar ay mayroong 20 points at 10 rebounds.

Habang mayroong 17 points, 10 rebounds at anim na assists si Scottie Thompson.

Mula sa simula ay hawak ng Ginebra ang kalamangan at sa magandang depensa ng TNT kaya nahirapan sila makalayo.

Ayon kay Tim Cone na isang team performance ang nangyari kaya nalusutan nila ang TNT.