-- Advertisements --

Nakuha ng Barangay Ginebra ang unang panalo kontra sa Meralco Bolts ng kanilang best of three quarterfinals 100-92 ng PBA 49th Season Commissioner’s Cup sa laro na ginanap sa Smart Araneta.

Kapwa nagtala ng tig-23 points sina Scottie Thompson at Justin Brownlee kung saan isang panalo na lamang para sa pagpasok nila sa semifinals.

Nagdagdag naman ng 19 point, siyam na rebounds si Japeth Aguilar at 14 points, anim na assists naman ang naitala ni RJ Abarrientos.

Inamin ni Barangay Ginebra assistant coach Richard Del Rosario na naging mahirap sa kanila ang laro dahil sa matinding depensang ipinamalas ng Bolts.

Nasayang naman ang nagawang 20 points ni Chris Newsome at 19 points, 14 rebounds at anim na assists ni Akil Mitchel.