-- Advertisements --

Hindi na pinaporma ng Barangay Ginebra ang Meralco Bolts 94-87 sa para tuluyang makapasok sa semifinals ng PBA 49th Season Commissioner’s Cup sa laro na ginanap sa Ynares Center, Antipolo.

Dahil dito ay makakaharap ng Ginebra sa semifinals best-of -seven ang NorthPort Batang Pier.

Nanguna sa panalo ng Ginebra si Justin Brownlee na nagtala ng 23 points, 9 rebounds, pitong assists, dalawang blocks at steal habang mayroong 16 points , limang rebounds at dalawang assists si RJ Abarrientos.

Sa pagtatapos ng first ay hawak pa ng Bolts ang kalamangan 38-37 hanggang nahabol ito Ginebra sa pagpasok ng third quarter.