-- Advertisements --

Napigilan ng Barangay Ginebra na makuha ng TNT Tropang Giga ang 0-3 sa kanilang best of seven PBA Governors Cup Finals.

Nakuha ng Ginebra ang unang panalo 85-73 sa laro na ginanap sa Araneta Coliseum.

Nanguna sa panalo si Justin Brownlee na mayroong 18 points, 13 reboudns, apat na assists at apat na blocks.

Nagdagdag naman ng 16 points at walong rebounds si Maverick Ahanmisi habang mayroong 15 points, limang rebounds at apat na assists si Scottie Thompson.

Ito rin ang unang paglalaroni LA Tenorio at Joe DeVance matapos ang paggaling ng kanilang injury sa tuhod.

Nasayang naman ang nagawang 24 points, 14 rebounds, pitong assists, apat na steals at isang block ni Rondae Hollis-Jefferson para sa TNT.