-- Advertisements --
Pasok na sa unang puwesto ang Barangay Ginebra matapos tambakan ang Terrafirma 102-80 sa laro na ginanap sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center.
Pinangunahan ni Japeth Aguilar ang panalo na nagtala ng 21 points habang mayroong 13 points, 11 rebounds at siyam na assists si Scottie Thompson.
Dahil sa panalo ay tinapos nagtapos na ang kampanya ng Ginebra sa elimination na mayroong walong panalo at tatlong talo habang ang Dyip ay mayroong isang panalo at siyam na talo.
Kuntento naman si Ginebra coach Tim Cone dahil nakabangon na sila sa pagkatalo nila noong nakaraang araw sa San Miguel Beermen.