-- Advertisements --
Nakuha ng Barangay Ginebra ang twice-to-beat advantage sa quarterfinals matapos ilampaso ang Columbian 113-90 sa nagpapatuloy na PBA Governors’ Cup.
Nasa pang-apat pa rin na puwesto ang Gins na mayroong pitong panalo at dalawang talo.
Nanguna sa panalo ng Ginebra si Justin Brownlee na mayroong 26 points, 9 rebounds at 9 assists habang mayroong 20 points si Stanley Pringle.
Pinuri naman ni Ginebra coach Tim Cone ang Columbian dahil sa naging matindi ang ipinamalas nilang laro.
Nasayang naman ang ginawang 34 points at 22 rebounds ni Khapri Alston habang 19 point ni CJ Perez ng Columbian.