Nakuha ng Barangay Ginebra ang pang-apat na sunod na panalo matapos ilampaso ang Blackwater 101-93 sa nagpapatuloy na PBA Governor’s Cup.
Pinangunahan ni Justin Brownlee ang panalo ng Gins na nagtala ng 17 rebounds, 12 rebounds at 11 assists.
Nagtala naman ng 20 points si LA Tenorio habang mayroong 18 points ang nagawa ni Japeth Aguilar.
Umabot pa sa 21 points ang naging kalamangan ng Gins hanggang mahabol ito ng Blackwater.
Nasa pangatlong puwesto na ang Ginebra na kaparehas ng Meralco sa race for four ng twice-to-beat incentives sa quarterfinals.
Hindi naman ikinaila ni Ginebra coach Tim Cone na marami silang turn-over at naging maganda ang pagpapalit ng manlalaro ng Blackwater.
Nanguna naman sa Blackwater si Mac Belo na mayroong 19 points habang mayroong 14 points si Bobby Ray Parks.