-- Advertisements --

Pasok na sa semifinals ng PBA 49th Season Governors’ Cup ang Barangay Ginebra.

Ito ay matapos na ma-sweep nila 3-0 ang Meralco Bolts 113-106 sa laro na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.

Nanguna sa panalo ng Ginebra si Justin Brownlee na nagtala ng 23 points kasama ang dalawang fours habang mayroong tig-19 points sina Japeth Aguilar at Stephen Holt.

Kapwa nagtala rin ng tig-17 points sina RJ Abarrientos at Maverick Ahanmisi.

Nasayang naman ang nagwang 38 points at 13 rebounds ni Allen Durham habang mayroong 10 points si Bong Quinto para sa Bolts.

Inamin ni Ginebra head coach Tim Cone na nabigla ito ng ma-sweep nila ang nasabing serye.

Susunod na makakaharap ng Ginebra ang sinumang manalo sa pagitan ng San Miguel Beermen o Converge.