-- Advertisements --

Abanse na ang Barangay Ginebra 2-1 sa best of seven PBA Commissioner’s Cup Finals ng Bay Area Dragons 89-82.

Hawak pa ng Dragons ng 14 points sa third quarter 63-56 ng laro na ginanap sa Mall of Asia Arena.

Pagpasok ng last quarter ay doon umarangkada si import Justin Brownlee at naibaba ang kalamangan 75-72.

Naitabla pa ng Ginebra ang laro sa 79 ng maipasok ni LA Tenorio ang dalawang jumpshot nito.

Nahawakan ng Gins ang kalamangan sa natitirang 50 segundo ng laro at hindi na nila hinayaan pang makabawi pa ang Dragons.

Nagtala si Brownlee ng 34 points,17 rebounds, apat na assists at tatlong steals habang si Scottie Thompson ay mayroong 14 points, 10 rebounds at apat na assists.