-- Advertisements --
Ikinabahala ngayon ni Barangay Ginebra player RJ Abarrientos matapos na makatanggap ng mga pagbabanta sa buhay nito.
Nangyari ang insidente sa pagkatalo ng Ginebra laban sa Meralco Bolts ng Game 2 best of three quarterfinals ng PBA Commissioner’s Cup sa score na 108-104.
Mayroon pa sanang tsansa na maitabla ng Ginebra ang laro subalit hindi naipasok ni Abarrientos ang four-point shots nito.
Mula noon ay bumuhos ang pagbabanta sa kaniyang buhay sa social media.
Hiniling ng 25-anyos na basketbolista na tulungan siyang i-mass report ang mga gumagamit ng dummy account.
Nakakaalarma aniya ang ganitong pangyayari kung saan bahagi aniya ng laro ang pagkatalo.