-- Advertisements --

Hindi makakapaglaro ng hanggang walong linggo si Barangay Ginebra star Jamie Malonzo dahil sa injury.

Natamo nito ang injury sa huling dalawang segundo ng laban ng Ginebra at NorthPort noong Linggo.

Sinabi ni Ginebra coach Tim Cone na ang inisyal na prognosis nila ay nagkaroon ito ng calf tear kaya maaring tumagal ng hanggang walong linggo bago makabalik sa paglalaro.

Malaking hamon ang kawalan ni Malonzo sa Ginebra dahil sa mayroong tatlong laro na lamang sila natitira para sa elimination round ng PBA Philippine Cup.