-- Advertisements --
Tinalo ng Barangay Ginebra ang Terrafirma 110-99 sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup na ginanap sa Philsports Arena sa lungsod ng Pasig.
Nanguna sa panalo ng Ginebra si Tony Bishop Jr na nagtala ng 26 points at 11 rebounds habang mayroong 24 points at 10 rebounds naman ang naitala ni Christian Stanhardinger.
Itinuturing ng Barangay Ginebra na dodle ang panalo dahil sa muling paglalaro ni LA Tenorio matapos ang pakikipaglaban nito sa cancer.
Mayroon ng apat na panalo at isang talo ngayon ang Ginebra habang ang Terrafirma ay mayroong dalawang panalo at tatlong talo.