-- Advertisements --

Isang panalo na lamang ang kailangan ng Barangay Ginebra para makapasok sa finals ng PBA Governors’ Cup.

Ito ay matapos na tambakan nila ang San Miguel Beermen 121-92 at makuha ang 3-2 na bentahe sa best of seven semifinals sa laro na ginanap sa Ynares Center sa Antipolo.

Nanguna sa panalo si RJ Abarrientos na nagtalang 28 points, tatlong rebounds at dalawang assists habang mayroon namang 22 points si Scottie Thompson at 18 points, siyam na rebounds naman ang naitala ni Justin Brownlee.

Sa pagpasok ng second quarter ay doon na umarangkada ang Ginebra at sa pagtatapos ng first half ay dominado nila ang laro 63-50.

Nalimitahan lamang sa 21 points ang import ng Beermen na si EJ Anosike habang mayroong 17 points at 18 rebounds naman si June Mar Fajardo.