-- Advertisements --
Tinambakan ng Barangay Ginebra ang Blackwater 86-63 sa nagpapatuloy na PBA 49th Season Commissioner’s Cup na ginanap sa Ynares Center.
Nanguna sa panalo si Justin Brownlee na nagtala ng 18 points habang mayroong 15 points si RJ Abarrientos at 10 points naman si Japeth Aguilar.
Ito ang rin ang unang paglalaro ni Jamie Malonzo matapos ang siyam na buwan na pagpapagaling mula sa kaniyang calf injury kung saan mayroong walong puntos.
Sinabi ni Ginebra coach Tim Cone na hindi man sila makapag-shoot ng marami ay naging matindi naman ang kanilang depensa.
Nasayang naman ang nagawang 27 points ni George King habang 10 points ni Jaydee Tungcab ng Blackwater.