-- Advertisements --

Tinambakan ng Barangay Ginebra ang Terrafirma Dyip 101-80 sa PBA Season 49 Philippine Cup.

Itinuturing na bayani sa panalo ng Ginebra si Japeth Aguilar na nagtala ng 30 points habang mayroong 14 points at pitong assists si RJ Abarrientos sa laro na ginanap sa Araneta Coliseum.

Nag-ambag naman ng 11 points, 13 rebounds at pitong assists si Scottie Thompson at 10 points naman si Stephen Holt.

Hindi naman umubra ang ginawang 14 points ni CJ Catapusan at 13 points ni Mark Nonoy para sa Dyip.